Ang tubig sa baga o kilala sa tawag na pulmonary edema ay kondisyon kung saan napupuno ng tubig ang baga ng isang tao. Kapag nangyari ang kondisyong ito, ang katawan ng pasyenteng may tubig sa baga ay mahihirapang makakuha ng sapat na oxygen para mabuhay.
Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng tubig sa baga. Kapag ang pasyente ay may problema sa puso, mahihirapan na itong magbomba ng sapat na dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ano ba ang sanhi ng pagkakaroon ng tubig sa baga?
Ang pagkakaroon ng mga pagbara sa puso ang pangunahing sanhi ng sakit na ito. Gayunman, may ilang mga hindi gaanong common na mga medikal na kalagayan na maaaring maging sahi ng tubig sa baga tulad ng mga sumusunod:
- Atake sa puso o ibang mga sakit sa puso
- Pagkipot ng mga balbula ng puso
- Biglaang pagtaas ng presyon ng dugo
- Pagkakaroon ng pulmonya
- Sakit sa bato
- Sakit sa baga na dala ng matinding impeksiyon
- Matinding impeksiyon sa dugo o sepsis
- Pamamaga ng lapay o pancreatitis
Ang mga sumusunod ay mga sintomas ng sakit sa baga:
- Kahirapan sa paghinga
- Pag-ubo
- Pagtunog ng baga kapag humihinga na para bang sumisipol
- Pag-ubo na may kasamang dugo
- Matinding pagpapawis
- Pagbawas ng pagiging alerto
- Pamamaga ng mga paa
- Hindi normal na tibok ng puso
Ang tubig sa baga ay maaagapan at nagagamot, lalo na kung ito ay matukoy ng mas maaga.
Subalit, sa ilang mga kalagayan, ang tubig sa baga ay nakamamatay kahit na maisagawa pa ang lahat ng uri ng panggagamot.
Tubig sa Baga, Mahina ang Puso (Heart Failure), Lunas sa Ubo, Sipon, Tuberculosis (TB) at Sakit sa Baga
ni Doc Willie Ong at Doc Liza Ong
ni Doc Willie Ong at Doc Liza Ong
No comments:
Post a Comment